|
relax lang mga brad humahaba ang thread na walang mabuting kinalalabasan isang grupo tau, we should look out for each other tama na yang walang kakwenta kwentang bagay na pinagtatalunan, alam kong masakit tamaan ang ego ng isang tao likas na yan normal ika nga pero pag lalo kang nagpapadala sa sa ego na yan parang kumunoy na yan e lulubog ka talaga. wala akong pinapanigan kaya lang nakakaapekto sa grupo ang munting diskusyon na ito. Hindi batayan ang pinag-aralan at paninidigan sa buhay, sa ugaling meron tau....maging totoo lang sa sarili mo at sa harap ng mga taong kaharap mo sapat na yun, para sabihing isa ka sa mga taong dapat igalang at irespeto sa aspeto ng pakikisama at pakikipag-kaibigan....huwag mong hayaang sirain ka ng mga taong nakapaligid sayo dahil naaapektuhan ka nila... hindi nila kilala ang pag-katao mo at ikaw mismo ang makakapagsabi sa sarili mo at sa kanila na totoo kang tao.
|